Proteksyon sa SIM card
Maaari mong i-lock at i-unlock ang bawat SIM card na ginagamit mo sa iyong device
gamit ang isang PIN (Personal Identity Number). Kapag na-lock ang isang SIM card,
poprotektahan laban sa maling paggamit ang subscription na naka-link sa card,
nangangahulugan na kailangan mong magpasok ng PIN sa tuwing bubuksan mo ang
iyong device.
Kung ipinasok mo nang mali ang PIN nang mas maraming beses kaysa sa maximum na
bilang ng mga pagsubok na pinapayagan, maba-block ang iyong SIM card. Pagkatapos
ay kailangan mong ipasok ang iyong PUK (Personal Unblocking Key) at isang bagong
PIN. Ibinibigay ng iyong operator ng network ang iyong PIN at PUK.
Upang mag-set up ng SIM card lock
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Lock screen at seguridad > I-set up ang
lock ng SIM card.
3
I-drag pakanan ang slider sa tabi ng
I-lock ang SIM card.
4
Ipasok ang PIN ng SIM card at tapikin ang
OK. Ang SIM card lock ay aktibo na
ngayon at ipo-prompt kang ipasok ang lock na ito sa bawat pagkakataong ire-
restart mo ang device.
Upang alisin ang isang SIM card lock
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Lock screen at seguridad > I-set up ang
lock ng SIM card.
3
I-drag ang slider pakaliwa sa tabi ng
I-lock ang SIM card.
4
Ipasok ang PIN ng SIM card at tapikin ang
OK.
18
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Para baguhin ang PIN ng SIM card
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Lock screen at seguridad > I-set up ang
lock ng SIM card.
3
Tapikin ang
Baguhin ang SIM PIN.
4
Ipasok ang lumang PIN ng SIM card at tapikin ang
OK.
5
Ipasok ang bagong PIN ng SIM card at tapikin ang
OK.
6
I-type muli ang bagong PIN ng SIM card at tapikin ang
OK.
Upang i-unlock ang isang na-block na SIM card gamit ang PUK code
1
Ipasok ang PUK code at tapikin ang
.
2
Magpasok ng bagong PIN code at tapikin ang
.
3
Muling ipasok ang bagong PIN code at tapikin ang
.
Kung nagpasok ka ng maling PUK nang maraming beses, kailangan mong makipag-ugnayan
sa iyong network operator upang makakuha ng bagong SIM card.