Pagtiyak na napoprotektahan ang iyong device
Maaari mong pigilan ang ibang mga tao sa paggamit ng iyong device nang wala ang
iyong pahintulot. Halimbawa, kung nawala, nanakaw, o nabura ang iyong device
magagamit lang ang device ng isang taong may impormasyon ng iyong account sa
Google™ o lock ng screen. Para tiyaking napoprotektahan ang iyong device,
mahalagang magtakda ka ng secure na lock ng screen at idagdag ang iyong account sa
Google™ sa iyong device. Importanteng matandaan mo ang iyong parehong
impormasyon ng lock ng screen at iyong mga kredensyal ng account sa Google™. Para
tiyaking napoprotektahan ang iyong device, maaari kang:
•
Magtakda ng secure na lock ng screen sa iyong device, ibig sabihin, isang lock ng
screen na PIN, password, pattern upang mapigilan ang sinuman sa pagre-reset ng iyong
device. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang