Paghanap sa identification number ng iyong device
Ang iyong device ay may natatanging ID (identification) number. Sa iyong device, ang
numerong ito ay tinatawag na IMEI (International Mobile Equipment Identity). Dapat kang
magtago ng kopya ng numerong ito. Maaaring kailanganin mo ito, halimbawa, kapag
ina-access mo ang serbisyo ng Xperia™ Care support at kailangan mong irehistro ang
iyong device. Gayundin, kung mananakaw ang iyong device, maaaring gamitin ng ilang
network provider ang numerong ito upang mapigilan ang device na ma-access ang
network sa inyong bansa.
Upang tingnan ang iyong IMEI number sa label tray
1
Buksan ang takip para sa slot ng nano SIM at memory card.
2
I-drag palabas ang label tray. Ang IMEI number ay ipinapakita sa label tray.
Upang tingnan ang IMEI number, maaari mo ring buksan ang dialer ng telepono at ipasok ang
*#06#
.
Upang tingnan ang iyong IMEI number sa pamamagitan ng mga setting ng device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tungkol sa telepono > Katayuan >
Impormasyon ng IMEI.
19
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.