Proteksyon sa screen
Bago gamitin ang iyong device, alisin ang film ng proteksyon sa pamamagitan ng paghila sa
nakalitaw na tab.
Inirerekomendang protektahan mo ang iyong device gamit ang isang screen cover o
protector na may brand ng Sony na nilayon para sa iyong Xperia™ model. Ang paggamit
ng third party na mga accessory sa pagprotekta ng screen ay maaaring makahadlang sa
sa paggana nang wasto ng iyong device sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga sensor,
lente, speaker o mikropono at maaari nitong mapawalang-bisa ang warranty.